Skip to main content

Access sa Wika

Ang Seksyon ng Pagpigil at Pagkontrol sa Kanser ng MDHHS ay naglalayong magbigay ng mga pagkukunan para sa LAHAT. Natutuwa kaming mag-alok ng mga serbisyo sa pagsasalin at interpretasyon ng wika para matulungan kang makakonekta sa mga pagkukunan at pangangalaga na kailangan mo.


Mga Serbisyo sa Pagsasalin at Interpretasyon ng Wika

Kung ikaw o may kakilala kang isang tao na nangangailangan ng tulong sa wika, pakikontakin kami sa pamamagitan ng email, sa iyong wika, sa MDHHS-CPCS-LANG@michigan.gov. Matatanggap ninyo ang aming tugon sa loob ng 48 oras (2 araw na may trabaho). Kung ito ay isang medikal na emergency, pakikontakin ang 911.

Mga mungkahi para sa mga Indibidwal na Limitado ang Kaalaman sa Ingles

  • Kung kailangan mo ng tulong sa wika, humiling ng isang interpreter, karapatan mo ito! Ang mga kwalipikadong medical interpreter ay sinanay upang ipaliwanag nang wasto ang impormasyon ukol sa kalusugan. Sinanay din sila sa lahat ng mga iniaatas ng HIPAA para mapanatiling pribado ang iyong impormasyon.
  • Ang mga serbisyo ng kwalipikadong interpretasyon ay magagamit mo nang libre. Hindi mo dapat hilingin sa isang miyembro ng pamilya o kaibigan na magbigay ng mga serbisyo sa interpretasyon ng wika. Maaaring wala silang taglay na tamang pangkat ng kakayahan upang magbigay ng mga serbisyong ito.
  • Kapag binibisita ang mga opisina at klinikang pangkalusugan, Ipakita ang I Speak Card sa isang miyembro ng mga kawani na maaaring kumuha ng interpreter para sa iyo.
  • Humiling ng isang interpreter kapag nagpapatingin sa iyong doktor o espesyalista sa pangunahing pangangalaga.
  • Humiling ng mga serbisyo ng interpretasyon o pagsasalin ng wika kapag kumukuha ka ng iba pang uri ng mga serbisyo, gaya ng mga pagsusuri sa laboratoryo, diagnostikong pagsusuri, pisikal na terapiya, o pagpapayo.
  • Kung alam mo na mangangailangan ka ng interpreter, sabihin sa iyong doktor o sa tauhan ng opisina nang mas maaga hangga't maaari.
  • Hilingin sa iyong doktor, health plan, at parmasya na isama sa iyong medical record ang kahilingan mo sa wika at pangangailangan mo ng interpreter.
  • Kontakin ang opisina ng mga sibil na karapatan kung naniniwala ka na ang iyong karapatan sa pag-access ng wika ay nalabag.

Kung Ikaw Ay Isang Bingi o May Kahirapan sa Pandinig

May karapatan ka na magkaroon ng isang interpreter sa wikang pasenyas. Ang karapatang ito ay protektado ng pederal na Batas sa mga Amerikanong may mga Kapansanan. Ang Seksyon ng MDHHS Cancer ay nagbibigay ng mga serbisyo ng interpretasyon sa mga indibidwal na DHOH. Para magpa-iskedyul ng isang ASL interpreter, pakikontakin ang MDHHS-CPCS-LANG@michigan.gov.